Bucks pinahiya nang Pacers; Nuggets bumawi vs Pistons

Nakabawi rin ng panalo ang top team sa Western Conference na Denver Nuggets makaraang idispatsa ang isa sa kulelat na team na Detroit Pistons, 119-100.

Bago ang laro dumanas ng four-game losing streak ang Nuggets (47-23) na siyang kanilang season high na record.

Pero sa pagkakataong ito hindi na pumayag pa ang reigning MVP na si Nikola Jokic na ilampaso pa sila ng Pistons (16-55) nang magbuhos siya ng 30 puntos.


Sa ibang game, pinahiya nang nangungulelat din na Indiana Pacers ang powerhouse team na Milwaukee Bucks matapos na masilat sa score na 139-123.

Bago ito ang Bucks ang kauna-unahang team sa NBA na pormal nang nakapasok sa nalalapit na playoffs dahil sa nakaipon na ng 50 panalo at kilalaning lider sa Central Division at Eastern Conference.

Pero sa laro laban sa Pacers nasayang ang 25 points ng dating 2-time MVP na si Giannis Antetokounmpo nang talunin sila ng Pacers (32-38).

Sumandal ang Indiana sa rally sa huling sandali ng laro sa pangunguna nina Andrew Nembhard na nagpakawala ng 24 puntos at si Aaron Nesmith na nagpakita ng anim na 3-pointers para sa kabuuang 22 points sa kabila na wala ang All-Star point guard Tyrese Haliburton bunsod ng ankle injury.

 

Samantala, narito ang iba pang game results:

Kings vs. Nets, 101-96

Raptors vs. Thunder, 128-111

Magic vs. Suns, 116-113

Facebook Comments