BuCor at CHR, magtatalaga ng human rights officer sa mga kulungan

Magtatalaga ng human rights officers ang Bureau of Corrections (BuCor) at Commission on Human Rights (CHR) sa prison facilities upang matutukan ang kondisyon ng mga person deprived of liberty (PDL).

Ito’y matapos magkasundo ang BuCor at CHR na magtulungan sa mga programa, polisiya, at pagsasanay sa human rights standards ng bawat ahensya.

Bukod dito, magpapatupad din ng special training course hinggil sa human rights norms, standards at principles, ang mga human rights officers at iba pang tauhan ng BuCor.


Susuriin din ang mga kasalukuyang polisiya at correctional practices ng BuCor upang matiyak na tumatalima nito sa standard at prinsipyo ng human rights.

Facebook Comments