BuCor Chief Bantag, hindi sumipot sa pagpapatawag ni DOJ Sec. Guevarra

133

Hindi sumipot si Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag sa pagpapatawag ni Justice Sec. Menardo Guevarra.

Nabatid na nagpaabot lamang ng mensahe si Bantag kay Sec. Guevarra na hindi ito makakarating sa Department of Justice (DOJ) dahil sa pananakit ng kanyang tiyan.

Nangako rin si Bantag na magsusumite ng kanyang paliwanag kaugnay ng pagsasara sa kalsada sa bahagi ng Katarungan Villages One at Two.


Magugunitang sa naturang insidente, muling sumiklab ang girian sa pagitan ng BuCor at ng Muntinlupa City government.

Facebook Comments