BuCor Chief Gerald Bantag, aminadong nababagalan sa pagpapatupad ng reporma sa Bilibid

Inamin ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag na nababagalan siya sa pagpapatupad ng reporma sa New Bilibid Prisons.

Ayon kay Bantag na sa kabila ng paghihigpit ay tila hindi pa rin nauubos ang mga nakukumpiskang mga kontrabando sa loob ng Bilibid.

Kabilang sa mga nasabat ay mga Pocket Wifi, Cellphone at Wifi Router, Laptop at iba pang Electronic Gadgets.


Ginagamit aniya ito ng mga drug lord sa kanilang mga transaksyon.

Para maipuslit ang mga kontrabando, sinabi ni Bantag na umaabot ng limang libo hanggang 100,000 Pesos ang padulas ng mga preso.

Sinabi pa ni Bantag na nakakatanggap na siya ng mga pagbabanta sa kanyang buhay.

May mga niluluto umanong Demolition Job laban sa kanila.

Babala ni Bantag, may magkakaroon pa ng sibakan sa kawanihan.

Plano ni Bantag na bumuo ng Technical Working Group para I-Professionalize ang ahensya.

Facebook Comments