BuCor Chief Gerald Bantag, handa sakaling sibakin siya sa pwesto

Tatanggapin ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag sakaling sibakin siya sa kanyang pwesto sa gitna ng kontrobersiyang bumabalot sa pagkamatay ng ilang high-profile inmates sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ito ang tugon ni Bantag sa panawagan si Senate Minority Leader Franklin Drilon na alisin siya sa pagiging pinuno ng BuCor.

Ayon kay Bantag, handa siyang bumaba sa kanyang pwesto kung wala na silang tiwala sa kanya.


Muling iginiit ni Bantag ang Data Privacy Act hinggil sa pagkakakilanlan ng mga inmate na namatay sa COVID-19.

Aniya, nagpadala sila ng reports hinggil dito sa Department of Health (DOH) at Department of Justice (DOJ).

Nanindigan si Bantag na hindi pineke ang kamatayan ng mga inmate kapalit ng pera at pagpapalaya sa mga ito.

Facebook Comments