BuCor Chief, nagbigay ng ultimatum sa mga PDL para baklasin ang kanilang mga kubol hanggang ngayong araw

Binigyan lamang ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., ngayong araw ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) para baklasin ang kanilang mga kubol.

Ayon kay Catapang, bilang bahagi ng kanilang nagpapatuloy na pagsusumikap na malinis ang loob ng mga piitan ay ipinag-utos na nito sa lahat ng pitong Operating Prison and Penal Farms Nationwide na boluntaryong baklasin ang kanilang mga kubol.

Sa ngayon nasa 60 makeshift rooms o kubol na matatagpuan sa security housing building 1 sa New Bilibid Prison (NBP) ang nabaklas.


Samantala, nagbanta na rin si Catapang na kapag mayroon pang naka-install na mga kubol ngayon ay sisirain ito ng Bucor personnel mula sa Diversified Maintenance Unit.

Facebook Comments