BuCor Chief Nicanor Faeldon, dadalo na sa pagdinig ng Senado

Kinumpirma na ng Bureau of Correctuons na dadalo ang kanilang pinuno na si Nicanor Faeldon sa pagdinig ng Senado ngayong araw kaugnay sa pagpapalaya sa libu-libong bilanggong nasangkot sa henious crimes dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ayon sa BuCor, kinansela na ni Faeldon ang mga ibang naka-schedule na commitments nito para makadalo sa pagdinig.

Iginiit na ni Senate President Tito Sotto III na kailangang humarap si Faeldon sa pagdinig.


Nais namang malaman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kung paano nakalaya ang mga nahatulan ng pang-habambuhay na sentensya gayung kailangan ng approval mula sa Secretary of Justice.

Matatandaang nag-isyu ang Senate Blue Ribbon Committee ng Subpoena na nag-aatas kay Faeldon na sumipot sa hearing.

Sakaling hindi sumipot si Faeldon ay ipapa-cite for contempt nila ito o ipakulong.

Facebook Comments