BuCor Chief Nicanor Faeldon, gigisahin sa Senado kasunod ng pagpapalaya sa libu-libong preso

Tiniyak ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na gigisahin sa pagdinig ng Senado bukas si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.

Kasunod ito ng pagpapalaya sa halos 2,000 preso sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Nagbabala rin ang Senador na hindi niya itutuloy ang pagdinig sakaling totohanin ni Faeldon ang ulat na hindi siya sisipot sa hearing.


Aniya, handa na ang Subpoena at Pirmado na ito ni Senate President Tito Sotto III para obligahing dumalo sa imbestigasyon ang BuCor Chief.

Nais din ni Gordon na maisapubliko ang pangalan ng mga napalayang preso.

Matatandaang naging kontrobersyal ang propeso ng GCTA Law matapos mapabalitang isa sa posibleng makinabang rito ang rapist-murderer convict na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Facebook Comments