BuCor Chief Nicanor Faeldon, handang magpasailalim sa lifestyle check

Handang sumalang sa lifestyle check sina Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon at Regional Superintendent Melencion Faustino.

Ito ay may kagunayan sa pagpapalaya sa ilang mga bilanggo sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance o GCTA.

Lumalabas sa pagdinig ng Senado kahapon na karamihan sa mga nakinabang sa GCTA ay mga may kayang bilanggo.


Nilinaw naman ni Faeldon na walang kinalamang ang pera o katayuan sa buhay ang pagpapalaya sa ilang preso kung sumusunod sila sa manual na nakapaloob sa pagpapatupad ng GCTA.

Muling ipagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon at Justice Committee ngayong araw ang pagdinig kaugnay sa nasabing isyu.

Facebook Comments