Bucor Chief Nicanor Faeldon, itinangging may inilabas na Release Order sa mga pumatay sa magkapatid na Chiong

Itinanggi ni Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon na mayroon na ring inilabas na Release Order sa mga suspek na dumukot, gumahasa at pumatay sa magkapatid na sina Marijoy at Jacqueline Chiong.

Nabatid na nangyari ang karumal-dumal na krimen sa magkapatid na Chiong noong July 1997 sa Cebu habang hinatulan ng habang buhay na pagkakakulong ang pitong akusado.

Noong 2004 mula sa habambuhay na pagkakakulong ay itinaas ng Korte Suprema sa parusang bitay ang hatol sa anim na akusado habang isa sa mga suspek na si James Anthony Uy mananatiling habambuhay na nakapiit.


Ayon kay Bucor Chief Nicanor Faeldon, wala siyang nilalagdaang anumang dokumento hinggil sa pagpapalay sa mga akusado.

Lumabas kasi sa ulat na may Release Orders na para sa mga convict na sina Rowen Adlawan, Alberto Caño at Ariel Balansag.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Ginang Thelma Chiong, ina ng magkapatid sa posibleng pagbawas sa prison terms ng mga convict dahil sa magandang asal nila habang nasa loob ng selda.

Masakit din para kay Ginang Thelma nang ma-abolish ang death penalty law ay mayroong kasunduang walang parole at walang pardon.

Maliban kay Adlawan, Caño at Balansag at Uy, ang iba pang convicted sa kidnap-murder-rape case ay sina Francisco Juan Larrañaga, Josman Aznar, at James Andew Uy.

Facebook Comments