BuCor Chief Nicanor Faeldon, nanindigang hindi magbibitiw

Nanindigan si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon na hindi siya magbibitiw.

Ito’y sa harap na rin ng kontrobersiyang pagpapalaya sa henious crime convicts sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ayon kay Faeldon,  hindi niya kailangang bumaba sa pwesto dahil lamang sa kontrobersiya.


Ipinagmalaki rin ni Faeldon na mahusay ang kanyang pamamalakad sa BuCor.

Pero ipapaubaya na niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon, na siyang nagtalaga sa kanya sa posisyon.

Facebook Comments