BuCor chief Nicanor Faeldon, pinasisibak!

Manila, Philippines – Dapat na papanagutin at sibakin si BuCor chief Nicanor Faeldon.

Ito ay iginiit ni Gabriela Representative Arlene Brosa kaugnay ng umano’y pagpirma ni Faeldon sa release order ng convicted rapist-murderer na si dating Calauan Mayaor Antonio Sanchez.

Aniya – bilang pinuno ng BuCor, dapat ay alam nito na hindi kwalipikado ang dating alkalde sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).


Malaking sampal aniya para sa pamilya nina Eileen Sarmenta at Allan Gomez ang ginawa ni Faeldon.

Samantala, ngayong araw ay maghahain ng resolusyon ang Gabriela para paimbestigahan ang implementasyon ng GCTA law.

Facebook Comments