Pinaplano na ng pamilya Mabasa na sampahan ng kasong administratibo at kriminal si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag hinggil pa rin sa pagkamatay ng broadcaster na si Percy Mabasa.
Ayon kay Atty. Bertini Causing, tagapagsalita ng pamilya Mabasa, magba-base sila sa pahayag ng confessed gunman na si Joel Escorial.
Aniya, kung di dahil sa kapabayaan ni Bantag ay hindi makakapasok ang cellphone sa loob ng bilibid at walang magagawang transaksyon para mapatay si Mabasa.
Ito ang magiging dahilan ng administrive case laban kay bantag liban pa sa posibilidad na criminal case na reckless imprudence resulting to murder.
Hindi naman nagbanggit ang abugado kung kelan nila planong isampa ang nasabing mga kaso.
Kasabay nito ay nagpapasalamat din ang Pamilya Mabasa sa ginawang hakbang ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na suspindihin si Bantag sa kanyang pwesto.
Dumating na rin sa Department of Justice (DOJ) si Escorial para sa isasagawang preliminary investigation sa kaso ng pagpapatay kay Lapid.