BuCor Documents Officer, itinangging tumanggap siya ng pera kapalit ng pagpapalaya sa mga inmate

Itinanggi ni Bureau of Corrections (BuCor) Documents Officer, Staff Sergeant Ramoncito Roque na tumanggap siya ng pera para asikasuhin ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) record ng mga inmates para mapaaga ang paglaya ng mga ito.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kagabi, itinuro ni Yolanda Camelon si Roque na tumanggap ng 10,000 pesos na partial payment para mapalaya ang kanyang asawang nakakulong.

Kinumpirma ni Roque na pumunta si Camelon at Mabel Dansil sa kanyang bahay at pinuwersa siyang tanggapin ang 10,000 pesos.


Giit ni Roque na ibinalik niya ang pera sa mga sumunod na araw dahil marami siyang iniisip ng mga oras na iyon.

Sinabi pa niya na wala siyang magagawa sa records ng asawa ni Camelon at iba, ang inmates dahil sa ilalim ito ng kustodiya ng encorder.

Facebook Comments