Binigyang diin ng Bureau of Corrections (BuCor) na kailangan nilang isara o limitahan sa publiko ang kalsadang dumadaan sa loob ng compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Nabatid na nag-viral online ang mga litrato kung saan nilagyan ng pader ang isang kalsada mula sa Southville 3 ng National Housing Authority (NHA).
Ayon kay BuCor Deputy Director Gabriel Chaclag, ang pagsasara nito ay layong protektahan ang maximum security prison sa loob ng NBP.
Hindi paghaharang ang ginagawa nila, kundi pagsasara mula trapiko mula NHA Southville 3 patawid ng Maximum Security Compound.
Mayroong malaking highway sa loob ng NBP na maaaring daanan ng NHA Southville 3 bilang alternatibong ruta.
Aniya, nasanay na kasi ang mga motorista na dumaan sa isinarang kalsada sa loob ng 15 taon bilang shortcut.