BuCor, handa na sa pagproseso ng pagpapalaya ni Pemberton

Handa na ang Bureau of Corrections (BuCor) na palayain anumang oras si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton kasunod ng absolute pardon na ipinagkaloob ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay BuCor Director General Gerald Bantag, bago maiproseso ang pagpapalaya kay Pemberton, kailangan muna nilang matanggap ang hard copy ng absolute pardon nito mula sa Pangulo.

Bago rin mapalaya, may mga proseso ring pagdadaanan si Pemberton tulad ng pagkuha ng biometrics at kailangan din nitong sumailalim sa COVID-19 swab test.


Sinabi naman ni Atty. Rowena Flores, abugado ni Pemberton, posibleng abutin ng dalawang araw ang proseso para sa tuluyang pagpapalaya sa kaniyang kliyente at inaasahan sa Biyernes, Setyembre 11 ay magbalik Amerika na ito.

Paliwanag naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi na kailangang i-deport si Pemberton.

Kailangan lang aniyang bawiin kung mayroon mang hold departure order laban dito para makalabas ito ng bansa.

Facebook Comments