BuCor, humingi na ng tulong sa NBI at PNP kaugnay ng pananaksak sa isang PDL kahapon sa bilibid

Nagpasaklolo na ang Bureau of Corrections (BuCor) sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police o PNP para sa pagsasagawa ng parallel investigation sa nangyaring pananaksak at pagkakapatay sa isang person deprived of liberty sa New Bilibid Prison (NBP) kahapon.

Bukod sa pagkakapatay sa isang person deprived of liberty o PDL, dalawang iba pa ang nasugatan.

Ang labi ng PDL na si Ricardo Peralta ay kinuha na ng kaniyang asawa.


Habang ang mga sugatang PDL na sina Reginal Lacuerta at Bert Cupada ay dinala sa Ospital ng Muntinlupa.

Nabatid na apat na PDLs ang sangkot sa nangyaring kaguluhan sa Bilibid kahapon.

Facebook Comments