Bucor, Humingi Pa Ng Tatlong Buwan Para Maalis Ang Mga Kontrabando Sa New Bilibid Prisons

15

MANILA – Himingi pa ang Bureau of Corrections (BUCOR) ng karagdagang tatlong buwan para tuluyang maalis ang mga kontrabando sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).Naniniwala si BUCOR Director Rolando Asuncion, na marami pa ring armas na nakatago sa bilibid.Ayon kay Asuncion, hindi sapat ang mga occular inspection para masamsam ang lahat ng mga armas sa bilibid.Kailangan anya ng tulong ng mga impormanteng inmate para matunton ang mga nakatagong baril.Sa ngayon anya nasa walumpung porsyento na ang BUCOR sa paglilinis sa bilibid dahil marami pang elementong kumikilos para makapagpuslit ng ibat-ibang kontrabando.

Facebook Comments