BuCor, inamin na nagkamali sila sa listahan ng mga bilanggong makakatanggap ng GCTA

Inamin ng Bureau of Corrections (BuCor) na nagkamali sila sa listahan ng mga bilanggong mabibiyayaan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ito ay matapos mapasama sa listahan ang plunder convict na si Janet Lim Napoles lalo at ang nakalagay sa kaso niya ay rape.

Sa pagdinig ng Senado kahapon, sinabi ng nasuspindeng BuCor records section head, staff sergeant Ramoncito Roque – minadali kasi nila ang paggawa ng listahan.


Tiniyak naman ni Justice Undersecretary Deo Marco – na nakakulong pa rin si Napoles.

Hinihingan na nila ng paliwanag ang BuCor hinggil dito.

Pinabulaanan naman ng kampo ni Napoles ang pagkakasama niya sa listahan ng mga napalaya sa ilalim ng GCTA.

Ayon kay Atty. Rony Garay, legal counsel ni Napoles – walang dahilan para mag-apply ng GCTA dahil abswelto ang kanyang kliyente sa serious illegal detention.

Wala ring kasong rape si Napoles.

Hindi pa pinal at nakaapela sa Korte Suprema ang hatol sa kanya sa kasong plunder.

Facebook Comments