BuCor, isinailalim ang nasa higit 200 na PDL sa anger management program

Inaasahan na mas magiging mapayapa na ang pang-araw-araw na pamumuhay ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) habang sila ay nasa Penal Farm.

Ito ay matapos Isailalim sa anger management program ang nasa 273 PDLs sa San Ramon Prison and Penal Farm.

Matatandaan na may pagkakataon na nagkakainitan sa loob ng mga piitan na nauuwi sa rambulan kung saan nagkakaroon ng mga sugatan.


Ayon kay Liana Pilar Cabaltera, kabilang sa nilalaman ng education and training program ay ang pag-unawa ng mga PDL ng dahilan ng kanilang galit, pag-manage ng kanilang stress, pagkairita, emotional pain, pagtitimpi, pagiging agresibo at marami pang iba.

Samantala, ang Bureau of Corrections (BuCor) ay patuloy na gumagawa ng paraan para mapabuti ang kalagayan ng mga PDL at maiwasan rin ang gulo sa loob ng piitan.

Facebook Comments