BuCor, may basbas na sa paggamit ng PEZA sa mga pasilidad sa ilang piitan

Nagbigay na ng go signal ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) para sa paggamit ng PEZA ng mga pasilidad ng ilang piitan.

Tinukoy ni BuCor Chief Gregorio Catapang Jr. ang exclusive na paggamit ng PEZA designated area sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) para mai- develope bilang Ecozone.

Sa ganitong paraan, magagamit ang mga lupa ng BuCor para suportahan ang reformation, gayundin para sa pag-generate ng income, at sa modernisasyon.

Kabilang sa planong gawin ng PEZA sa mga pasilidad ng BuCor ang agro-industrial, commercial, at recreational sectors, gayundin ang pagtatag ng hubs para sa investment, tourism, at sa paglikha ng mga trabaho.

Facebook Comments