BuCor, nagbabala sa lahat ng tauhan nito matapos sumuko ang 3 opisyal na sangkot sa direct bribery

Todo babala ngayon ang Bureau of Corrections (BuCor) sa lahat ng kanilang mga tauhang sangkot sa katiwalian.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr., magsilbi raw sanang warning at halimbawa sa lahat ng BuCor personnel ang pagsuko ng tatlong opisyal ng BuCor na sina Armory chief Alex Hizola, Corrections Officer (CO 1) Arcel Acejo Janero at Corrections Officer (CO 2) Henry Escrupolo.

Ang tatlo ay kinasuhan ng direct bribery matapos maaresto ang mga ito noong Setyembre dahil sa pag-demand ng pera kapalit ng pag-isyu ng mga baril sa isang correction officers.


Dahil dito, binigyang diin ni Catapang na hindi nila kukunsintihin ang ano mang maling gawain sa loob ng kanilang ahensiya.

Dagdag niya tuloy-tuloy daw ang pagsugpo nila sa mga katiwalian sa ahensiya.

Facebook Comments