BuCor, nagsagawa ng Oplan Galugad sa Maximum Security Compound

Ikinasa ng mga tauhan ng Bureau of Correction (BuCor) ang Oplan Galugad sa building 10 maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP).

Batay sa kanilang official Facebook account post pasado alas-10:00 kagabi, nakuha mula sa lugar ang smart cellular phones, pocket wifis, sim cards, USB flash drive, chargers, earphones, playing cards, playing gambling chips, cash money, cigarettes, tobaccos at iba pang iligal na mga kontrabando.

Ayon kay Director General Gerald Q. Bantag na kahit sila ay abala sa pagtugon sa pandemya, may oras pa rin any sila sa pagpuksa ng mga iligal na gawin sa loob ng NBP na kinakasangkutan ng mga preso.


Pinuri naman niya ang kanyang mga tauhan na nagsagawa ng Oplan Galugad.

Facebook Comments