BuCor, nakiisa rin sa selebrasyon ng International Women’s Day

Nakibahagi rin ang Bureau of Corrections (BuCor) sa selebrasyon ng International Women’s Day at National Women’s Month.

Kung saan tumungo ang mga kawani ng BuCor sa pangununga ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City kasama sina Senator Robinhood Padilla at si Presidential Adviser on Muslim affairs Undersecretary Al Tillah.

Ito’y upang bigyang pagkilala ang mga kababaihan na kasalukuyang naka piit maging ang mga babaeng nagta-trabaho sa CIW.


Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., nararapat lamang na bigyang pagkilala ang mga babaeng nakapiit kahit pa sila ay nagkasala sa batas dahil naniniwala ang ahensya sa gender equality.

Samantala, magkakaroon din ng medical mission para sa mga babaeng PDLs kabilang na rin ang zumba at isang social night para sa mga ito.

Facebook Comments