BuCor, nanindigang natural death ang ikinamatay ni Raymond Dominguez

51

Nanindigan si Bureau of Corrections (BuCor) Spokesman Gabriel Chaclag na marami na ring karamdaman si Raymond Dominguez noon pa lamang.

Kabilang dito ang asthma, hypertension, diabetes, arthritis at erectile disfunction.


Ayon kay Chaclag, dalawang beses na ring nagpositibo sa COVID-19 si Dominguez pero gumaling na ito.

Nung Hulyo ng nakalipas na taon, naiulat din ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption na nakatanggap sila ng impormasyon na pumanaw na ang nasabing carnapping syndicate leader, pero nakumpirmang buhay pa at nananatili lang sa New Bilibid Prison (NBP).

Si Dominguez ay natagpuang patay kahapon ng umaga sa loob ng kanyang selda sa NBP sa Muntinlupa City.

Sa kabila nito, tiniyak ng opisyal na patuloy pa ring iniimbestigahan ang pagkamatay ni Dominguez kung saan isinailalim sa autopsy ang labi nito.




Facebook Comments