Pumirma ang Bureau of Corrections (BuCor), National Intelligence Coordinating Council (NICC), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng memorandum of agreement (MOA) para sa layuning magkatoon ng synchronize na Anti-Illegal Drug Campaign.
Kasama na rin dito ang pagpapanatili ng kooperasyon at pakikipagtulungan para masawata ang iligal na droga sa loob at labas ng penal farm sa buong bansa.
Ang MOA ay pinirmahan ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., Assistant Director General for Counter Intelligence Rolando E. Asuncion na kumatawan kay NICA Dir. General Ricardo F. De Leon, NBI Dir. Atty. Medardo G. de Lemos, PNP Chief, PGen. Benjamin C. Accords Jr. at PDEA Dir. Gen. Moro Virgilio M. Lazo.
Sa pamamagitan ng MOA, ay mabubuo ang Inter-Agency Collaborative Group (IACG) laban sa drug trafficking sa mga correctional at prison facilities at penal farms ng BuCor.
Sakop din ng MOA ang BuCor facilities sa New Bilibid Prison (Muntinlupa City), Correctional Institution for Women (Muntinlupa City), lwahig Prison and Penal Farm (Puerto Princesa City, Palawan), Sablayan Prison and Penal Farm (Occidental Mindoro), Leyte Regional Prison (Abuyog, Leyte), San Ramon Prison and Penal Farm (Zamboanga City) at Davao Prison and Penal Farm (B.E. Dujali, Davao del Norte).