BuCor, nilinaw na bahagi ng kanilang paghihigpit sa seguridad ang pagpapatayo ng bagong pader sa isang kalsada

Nilinaw ng Bureau of Corrections (BuCor) na hindi isang major access road na dinadaanan ng mga tao ang isinaradong kalsada sa bahagi ng New Bilibid Prison (NBP).

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni BuCor Deputy Director General Gabriel Chaclag na ang mga naninirahan din sa loob ng NBP reservation ay mga tauhan din ng ahensiya kung kaya’t wala itong idinulot na abala sa mga residente.

Paliwanag pa ni Chaclag, bahagi rin ito ng kanilang paghihigpit ng seguridad lalo na’t ginagawa lamang na paradahan ng mga tricycle ang isinaradong kalsada.


Nitong Marso lamang ay binatikos din ang ahensiya dahil sa pagtatayo ng pader sa Insular Prison road dahilan upang umikot pa ang mga residente ng Southville 3 sa Muntinlupa para makapunta sa bayan.

Facebook Comments