BuCor, nilinaw na buhay pa ang high-profile inmate na si Raymond Dominguez

Nilinaw ng Bureau of Corrections (BuCor) na buhay pa at kasalukuyang nasa ospital ang high-profile inmate na si Raymond Dominguez.

Ito ay kasunod ng unang napabalita na pumanaw na si Dominguez dahil sa kumplikasyon dulot ng COVID-19.

Ayon kay BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag, nasa maayos nang kalagayan si Dominguez na nagpapagaling dahil may history ito ng asthma.


Matatandaang si Dominguez ay hinatulan ng 17 hanggang 30 taong pagkakakulong dahil sa kasong carjacking noong 2012 at inakusahan din silang utak ng pagpaslang sa dalawang car dealers na sina Venson Evangelista at Emerson Lozano noon namang 2011.

Facebook Comments