
Nilinaw ng Bureau of Corrections (BuCor) na walang outbreak ng scabies o galis sa New Bilibid Prison at iba pang kulungan sa bansa.
Sa isang pahayag na ipinadala ng Department of Justice (DOJ), iginiit ni Corrections Technical Superintendent Ma. Cecilla Villanueva, acting Director for Health and Welfare Services na walang outbreak na naitala sa kanilang mga pasilidad sa nakalipas na dalawang taon.
Pahayag ito ng BuCor kasunod ng pagkaalarma ng non governmental organization na Kapatid sa posibleng outbreak dahil sa overcrowding at kakulangan ng tubig sa Bilibid.
Sinabi naman ni Villanueva na may protocol na sinusunod sa pagdadala ng mga gamot sa mga nakapiit para maiwasan ang pagpasok ng mga kontrabando.
Tiniyak pa ng ahensiya na agad nilang tutugunan ang anumang healh-related issues sa mga nasa loob ng kanilang pasilidad.










