BuCor officials, may nilabag sa GCTA Law

Maraming nalabag ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance Law (GCTA).

Ayon kay Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez, may akda ng batas, hindi sakop ng GCTA Law ang mga nahatulan dahil sa henious crimes at mga nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong.

Malinaw aniya sa department order 953 ng dept. Of justice (doj), na dapat i-transmit ng bucor sa kagawaran ang mga record ng nahatulan ng reclusion perpetua para mapag-aralan.


Sinabi naman ni Leyte Rep. Vicente Veloso, Chairperson ng House Committee on Justice, malaki ang pananagutan ng mga nagpalaya sa mga nasentensyahan sa karumal-dumal na krimen.

Sa ilalim ng Republic Act 10592, ang sinumang lalabag sa batas ay may katumbas na isang taong pagkakakulong at multa na 100,000 pesos bukod pa sa perpetual disqualification from Holding Public Office.

Facebook Comments