BuCor Press Corps, kinondena ang umano’y pananakit ng ilang miyembro ng transport group sa isang radio reporter

 

Mariing kinondena ng Bureau of Corrections (BuCor) Press Corps ang umano’y pananakit ng ilang miyembro ng transport group sa isang radio reporter.

Naganap ang insidente kahapon, habang isinasagawa ang unang araw ng 3-day strike ng grupong Piston at Manibela, sa tapat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Main Office sa East Avenue, Quezon City.

Ayon sa radio reporter na si Val Gonzalez, siya’y kinuyog at sinuntok umano ng ilang miyembro ng transport group habang nag-uulat tungkol sa nagaganap na protesta.


Sa pahayag na inilabas ni BuCor Press Corps President, Gary de Leon, ang ganitong mga aksyon umano ay hindi katanggap-tanggap at hindi dapat maranasan ng isang mamamahayag.

Facebook Comments