Magsisimula na ang Bureau of Corrections (BuCor) na ilipat ang mga preso mula New Bilibid Prison sa dalawa pang piitan sa MIMAROPA.
Ayon kay Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar, ang mga detainee ay ililipat sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, at Iwahig Prison and Penal Farm naman sa Palawan.
Nasa 6,000 ang ang kapasidad ng Bilibid noong ito’y ginawa ngunit sa ngayon ay umaabot na sa 29,000 ang nakakulong dito.
Target ng BuCor na gumawa ng mga bagong kulungan sa Nueva Ecija, Isabela o Mindoro Occidental para masolusyunan ang overcrowded na mga selda.
Facebook Comments