BuCor, sisimulan na sa susunod na buwan ang cashless policy

Sisimulan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang cashless policy sa operasyon ng prison at penal farms sa buong bansa sa susunod na buwan.

Ang nasabing hakbang ay para masawata na ang pagdami ng mga iligal na aktibidad na may kinalaman sa pera.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., na ang mga inmates o Persons Deprived of Liberty (PDL) ay unang pinapayagang humawak ng pera habang tinatapos ang sentensya bilang pagkilala sa kanilang karapatang pantao.


Ang kanilang pera ay mula sa livelihood programs o kaya ay sa kanilang mahal sa buhay para tulungan sa kanilang basic needs.

Dahil dito ay nakatanggap ng impormasyon si Catapang na ang pera ay ginagamit nila sa iligal na transaction sa loob ng piitan kaya napilitan silang magpatupad ng ‘cashless zone’.

Lahat aniya ng mga PDL at Corrections Officers na nakatalaga na magbantay sa security compound ay hindi papayagang makahawak ng pera at kanila itong kukumpiskahin kung nagkaroon man sila.

Samantala, mayroon silang booklet na ibibigay sa bawat PDL gaya ng ibinibigay sa mga commercial banks at ito ay maaring maibili sa mga pagkain sa loob ng kulungan at maari lamang na magkaroon ng ₱2,000 na laman ito kada linggo.

Facebook Comments