Ito ang kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) Spokesperson Gabriel Chaclag matapos na maganap ang prison break noong lunes ng madaling araw kung saan ng apat na persons deprived of liberty (PDL) mula sa Maximum Security Compound ang nakatakas.
Bukod kay Superintendent Arnold Guzman, kasama rin sa mga sinibak ang limang jail guard na naka-duty ng maganap ang insidente.
Isa sa sinisilip ngayon ng BuCor ay ang anggulong sabwatan sa pagitan ng mga guwardya at pugante.
Ayon kay Chaclag, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na pwersahang pinabuksan ng mga pugante ang gate ng dormitory 9 kung saan sila nakakulong sa tinatawag nilang bantay pinto na kapwa nila PDL.
Pumalag aniya ang PDL na ito kaya siya binaril at namatay.
Sinabi ni Chaclag na mula sa gate ng dormitory 9 ay tumulay sa ibabaw ng bakod ang mga pugante.
Sa ngayon ay subject for investigation kung paano madaling nakatalon ang mga pugante kahit balot ng bard wire ang bakod.