BuCor, tiniyak na babalasahin ang dalawang tauhan nilang nasangkot sa pakikipagsabwatan sa iligal na aktibidad ng ilang PDLs

Tiniyak ng Bureau of Corrections (BuCor) na ililipat nila ng ibang penal farm ang dalawang tauhan nila na nakipagsabwatan sa iligal na aktibidad ng ilang Persons Deprived of Liberty o PDLs.

Ayon kay BuCor Chief Gregorio Catapang, ipinag-utos niya na rin ang regular rotation sa BuCor personnel para matiyak na hindi ito magiging dikit sa mga bilanggo.

Sakop aniya ng kautusan ang keepers, patrol, post tower guards, gate officers, at escorts.


Kada 15 araw aniya ang rotation ng naturang BuCor personnel.

Facebook Comments