BuCor, tiniyak na hindi uubra ang ginawang paglabas pasok ng preso sa kulungan tulad ng ginawa ng NBI

Tiniyak ni Bureau of Corrections (BuCor) na hindi uubra sa kanya ang labas masok sa loob ng kulongan tulad ng ginawa ng isang preso ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay BuCor Chief Catapang, kasabay ng pagtanggap nito sa mga bilanggo ng NBI na ililipat sa New Bilibid Prison (NBP) ngayong araw.

Kung saan nagkakaroon ng turn over ceremony para sa pagamit ng NBI sa building 14 ng NBP para 76 na mga preso ng NBI Kasama na dito ang tinaguriang Bilibid 19 na tumestigo laban kay dating Senador Leila de Lima at dating BuCor General Gerald Bantag.


Dagdag pa ni Catapang uukupahin ng NBI ang building 14 ng NBP habang hindi pa natatapos ang itinatayong gusali ng NBI para sa kanilang mga preso kung saan sila din ang magbabantay sa kanilang mga bilanggo.

Paglilinaw pa niya na ang gagawing paglilipat ng mga priso ng NBI sa NBP tiniyak nito na hindi maapektuhan ang kanilang operasyon dahil malaking bilang narin ng PDL mula sa NBP ang nalipat sa ibat ibang prison at penal farm.

Samantala 10 persons deprived of liberty (PDLs) naman na hindi na nakakalakad ang pinagkalooban ng wheelchair ni General Catapang at 1,400 na hygiene kit, habang ang 15 karagdagang wheel chair ay ipamamahagi naman bukas sa mga PDL na senior citizen na hindi na rin nakakapaglakad.

Facebook Comments