BuCor, tiniyak na may mananagot sa nangyaring riot sa NBP kaninang madaling araw

Tiniyak ni Bureau of Corrections (BuCor) Spokesman Gabriel Chaclag na may mananagot sa nangyaring riot sa pagitan ng mga preso sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City kaninang madaling araw kung saan 9 na bilanggo ang namatay.

Ayon kay Chaclag, tiyak na maisasama ito sa records ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nasangkot sa kaguluhan.

Ipinaliwanag din ni Chaclag ang sitwasyon ng PDLs sa Bilibid na tinatayang may 18,000 inmates na mistulang nasa isang maliit na komunidad.


Meron naman aniyang CCTV sa mga strategic na lugar ng Bilibid subalit hindi nito sakop ang bawat sulok ng Bilibid.

Kinumpirma rin ni Chaclag na may mga preso ring nasugatan at agad naman silang nabigyan ng paunang lunas.

Hindi pa aniya tukoy sa ngayon kung ano ang tunay na pinagmulan ng riot na nagsimula ng alas-2:30 kaninang madaling araw at nagtapos alas-4:00 na ng madaling araw.

Facebook Comments