BuCor, tiniyak na walang kaso ng Mpox sa kanilang mga piitan

Tiniyak ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na walang kaso ng Monkey pox (Mpox) sa kanilang Persons Deprived of Liberty o PDLs, at maging sa mismong loob ng kanilang mga kulungan.

Ayon kay Catapang, mahigpit ang kanilang screening pagdating sa PDLs lalo na sa tuwing may mga dalaw ang mga ito.

Aniya, naka-alerto rin ang kanilang hanay sa tuwing may PDLs na may sakit para maiwasan ang hawaan sa iba pang inmates.


Malaking tulong din aniya ang pagluwag ng kanilang mga kulungan matapos ang sunud-sunod na decongestion.

Facebook Comments