BuCor, tiniyak na walang PDLs na nasaktan sa Bagyong Carina

Tiniyak ng Bureau of Corrections (BuCor) na ligtas ang lahat ng persons deprived of liberty sa pananalasa ng Bagyong Carina.

Ito ay mula sa iba’t ibang operating prison and penal farms (OPPFs) sa buong bansa.

Tiniyak din ng BuCor na walang naging pinsala sa mga piitan ang nakalipas na bagyo.


Ito ay maliban lamang sa perimeter fence ng Correctional Institution for Women sa Medium Security Compound ng New Bilibid Prison na nagkaroon ng minimal damage.

Facebook Comments