BuCor, tiniyak na walang special treatment na ibibigay sa mga idineklarang convict ng Maguindanao Massacre

Tiniyak ng Bureau of Corrections (BuCor) na walang ibibigay na special treatment sa mga hinatulang convict ng Maguindanao Massacre.

Ito’y matapos ilipat sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prisons (NBP) ang magkapatid na sina Datu Andal Ampatuan Jr. at Zaldy Ampatuan kasama ang iba pang idineklarang guilty sa 57 bilang ng murder sa karumal-dumal na krimen.

Ayon kay BuCor Chief Gerald Bantag, batid nila ang lawak ng impluwensya ng pamilya ampatuan kaya mahigpit na seguridad ang kanilang ipapatupad sa loob ng Bilibid.


Sinabi rin ni Bantag na ihahalo ang mga Massacre Convict sa iba pang bilanggo.

Tiwala rin siya na hindi masisilaw ang kanilang mga tauhan sa anumang yaman na mayroon ang mga ampatuan.

Gayumpaman, titingnan nila ang mga magiging galawan sa loob ng Maximum Security Compund bago pag-aralan ang posibilidad na balasahan ng mga bantay para maiwasan ang korapsyon.

Facebook Comments