BuCor, tiniyak na walang special treatment sa pagpapalaya kay Pemberton

41

Tiniyak ng Bureau of Correction (BuCor) na walang special treatment sa pagpapalaya kay United States Marine Joseph Scott Pemberton.

Ayon kay BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag, anuman ang proseso sa pardons at paroles na ibinigay sa mga bilanggo ay ganito rin ang ibibigay kay Pemberton.


Sinabi ni Chaclag na kailangang ikonsidera ang lahat ng implikasyon lalo na at sakop si Pemberton ng iba pang kasunduan.

Hinihintay lamang nila ang orihinal na kopya ng pardon.

Ang release process ay inaabot ng ilang araw pero susubukan ng BuCor na pabilisin ito para agad na matapos.

Facebook Comments