Umapela ang Bureau of Corrections (BuCor) sa Supreme Court na maglabas ng malinaw na panuntunan sa pagpapatupad ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance Law (GCTA).
Sa harap ito ng anila’y kalituhan sa pagpapatupad ng nasabing batas.
Tinukoy ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang ang Supreme Court decision sa Gil Miguel vs. the Director, Bureau of Prisons (BOP), kung saan ilang inmates na convicted sa murder at iba pang heinous crimes ang na-disqualify sa GCTA.
Gayunman, taliwas naman aniya ito sa kaso ng Maclang vs. Hon. Leila de Lima na may kaugnayan din sa heinous crime na kidnapping.
Sinabi ni Catapang na maganda ang nasabing batas pero malabo aniya ang panuntunan sa pagpapatupad nito.
Facebook Comments