Budesonide, maaaring gamitin sa mga COVID-19 patient na may hika

Maaaring gamitin ang asthma drug na Budesonide para sa mga may Coronavirus Disease.

Ayon sa Food and Drug Administration (FDA) Director General Usec. Eric Domingo, pwede gamitin sa mga COVID-19 patient ang Budesonide basta inireseta ito ng kanilang mga doktor.

Aniya, walang dapat ipagalala sa paggamit ng Budesonide dahil rehistrado ito FDA.


Depende po iyan sa doktor lalo na po iyong mga pulmonologist, kung nakikita nilang kailangan ito ng pasyente at makakatulong ito sa kanila, then maaari po nilang gamitin ang gamot,” ani Domingo.

Nabatid na batay sa mga resulta ng pagsusuri sa United Kingdom (UK), napapadali ng Budesonide ang paggaling ng mga COVID-19 patient sa bahay na may mild symptom.

Facebook Comments