Manila, Philippines – Umaasa si House Speaker Pantaleon Alvarez na maaaprubahan na ng Kongreso at Senado ang panukalang P3.76-trillion National Budget at Tax Reform Bill sa susunod na Linggo.
Ito ay matapos na maresolba na ng conference panel sa pamumuno nina Senator Loren Legarda at Davao City Representative Carlo Nograles ang mga isyu sa alokasyon ng budget.
Inaasahan na ring maaaprubahan ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) o Tax Reform Bill.
Layon ng naturang bill na taasan ang ilang mga consumer commodities para mabigyang pondo ang infrastructure projects ng gobyerno.
Ayon kay Alvarez, kumpiyansa siyang magkakasundo na ang dalawang kapulungan para sa pinagdedebatehang mga bersyon ng mga panukala bago matapos ang sesyon.
Magtatapos ang sesyon ng Kongreso sa Martes at magsisimula na ang kanilang isang buwang Christmas break sa Miyerkules.