BUDGET | 2019 national budget aprubado na ng Pangulo; Halaga ng budget para sa susunod na taon halos pareho lang – DBM

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na inaprubahan na sa Cabinet meeting ang 2019 national budget na siyang isusumite sa Kongreso.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, 3.757 trillion pesos ang pondong ilalaan ng gobyerno para sa susunod na taon.

Sinabi naman ni Budget Secretary Benjamin Diokno na halos walang pagbabago ang halaga ng national budget ngayong taon sa susunod na taon.


Paliwanag ni Diokno, binago nila ang pagbu-bugdet dahil ginawa nilang annual cash based budget ang 2019 budget mula sa obligated based budget.

Sinabi ni Diokno na Department of Education (DepEd) pa rin ang nakakuha ng pinakamalaking parte ng budget at kasama na dito ang free education.

Pasok din naman aniya sa top 10 biggest budget ang DPWH, DOTR, DILG, DOH, at ARMM.

Kasama na rin aniya ang pondo sa 2019 Elections sa national budget sa susunod na taon pero wala pa naman aniyang pondo na inilaan ang pamahalaan sa plebesito sakaling magtuloy-tuloy ang pagpapalit ng Saligang Batas.

Facebook Comments