Sinuspinde muna ang pagdinig ng House Committee on Appropriations sa panukalang pondo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa 2022.
Napuna kasi ng Minorya sa Kamara ang kwestyunableng paggamit ng TESDA sa mga pondo nito sa mga nakalipas na taon.
Sa pagdinig, binasa ni Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas ang manifestation ni Minority Leader Joseph Stephen Paduano kung saan binanggit na mula 2017 hanggang 2020 ay tumaas ang budget ng TESDA pero nakitaan ang ahensya ng “poor planning” at “poor implementation” sa mga programa.
Nabanggit din ang ilang reports ng Commission on Audit (COA), hinggil sa maling paggamit ng pondo tulad ng paglipat ng budget ng TESDA sa kontrobersyal na NTF-ELCAC.
Nasita rin ang paglipat ng pondo ng TESDA sa Philippine International Trading Corporation (PITC) para sa pagbili ng mga gamit gaya ng toolkits.