BUDGET | Budget hearings sa Kamara, sisimulan na bukas

Manila, Philippines – Sisimulan na bukas, July 31 ng house appropirations committee ang budget hearings nito.

Ayon kay Committee Chairman, Davao City 1st District Representative Karlo Nograles, tatalakayin na dito 3.757 trillion pesos 2019 national budget.

Kinikilala aniya ng kongreso ang kahalagahan ng pagpasa ng panukalang pambansang pondo.


Kinumpirma rin ni Nograles na tatanggapin nila ang National Expenditure Program (NEP) ng Malacañang mula sa opisina ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang NEP ang magsisilbing basehan para sa 2019 General Appropriations Act (GAA).

Sa ilalim ng 2019 GAA, ang edukasyon ang nananatiling top priority ng Duterte Administration, kasunod ang DPWH, DILG, DEFENSE, DSWD, DOH, transportation, agriculture, judiciary, maging ang ARMM.

Unang bubusisiin ng panel ang proposed budgets ng Department of Budget and Management (DBM), National Economic and Development Authority (NEDA), finance department at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Facebook Comments