Budget deficiencies na nakita ng COA sa DepEd, pinaiimbestigaha na rin sa Kamara

Pinasisilip ng Makabayan sa Kamara ang pagkabigo ng Department of Education (DepEd) sa paggamit ng pondo at iba pang deficiencies na nadiskubre ng Commission on Audit (COA) sa kanilang 2020 report.

Inaatasan sa inihaing House Resolution 2182 ang House Committees on Public Accounts at Basic Education and Culture na imbestigahan ang paggugol ng DepEd sa 2020 budget kasama na rito ang idinagdag na alokasyon para sa pandemic response.

Nakasaad sa resolusyon na batay sa Comission on Audit (CO) report, nakitaan ang Department of Education (DepEd) ng lapses sa utilization o paggamit sa Basic Education Learning Continuity Plan na may pondong P3.22 billion na sakop ng Bayanihan 1 at 2.


Ilan pa sa mga deficiencies ay ang hindi agad paglalabas ng DepEd central office ng pondo sa mga regional offices na aabot sa P951.90 million.

Mayroon ding PP396.29 million unutilized funds sa pitong regional offices.

Dagdag pa sa mga butas na nakita sa kwestyunableng paggamit ng DepEd sa kanilang pondo at ang unliquidated cash advances ng central at regional offices na aabot sa P697.52 million na tumagal pa ng 30 araw hanggang sa higit isang taon at ang hindi pa malaman kung saan napunta na P11.07 billion na suspension, disallowances at iba pang charges.

Naniniwala ang Makabayan na patunay lamang ang mga iregularidad na ito na under-supported ang mga guro at iba pang public education personnel sa kabila ng pagiging overworked nila sa ilalim ng ipinatupad na distance at blended learning dulot pa rin ng COVID-19.

Facebook Comments