Budget deliberation ng CHR, ipinagpaliban

Nabinbin ang deliberasyon ng Senado sa P934 million na 2024 budget ng Commission on Human Rights (CHR).

Ito ay matapos na ungkatin ni Senator Alan Peter Cayetano sa gitna ng budget deliberation ang report na sinusuportahan ni CHR Executive Director Jacqueline De Guia ang decriminalization sa abortion.

Sinabi ni Senator Jinggoy Estrada na hindi nila tatalakayin ang budget sa plenaryo hanggat walang opisyal na posisyon ang CHR ukol sa legalisasyon ng abortion.


Kinumpirma naman ni de Guia sa pamamagitan ni Estrada na noong siya ang tagapagsalita ng CHR ay nagpahayag siya ng pagsang-ayon na huwag nang ituring na krimen ang abortion pero nilinaw niya na hindi siya pabor dito.

Pero sinabi ni Estrada na bilang Katoliko ay tutol siya sa abortion at kung pabor dito ang CHR ay hindi niya dedepensahan ang pondo ng ahensya.

Sinang-ayunan naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagpapaliban sa deliberasyon sa budget ng CHR at dapat na linawin muna ng CHR ang kanilang posisyon ukol sa abortion kung saan dito babatay ang Mataas na Kapulungan kung susuportahan o hindi ang hinihinging budget.

Facebook Comments