Manila, Philippines – Aabutin na hanggang sa susunod na linggo ang budget deliberation sa plenaryo.
Aminado ang liderato ng Kamara na hindi kakayanin ang naunang target na tapusin sa loob lamang ng limang araw ang debate sa 3.7 trillion na pambansang pondo sa 2018.
Ayon kay House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, mag-e-extend ang budget deliberation hanggang sa susunod na Linggo, September 12.
Ang pagtalakay ng budget sa plenaryo ay inuumpisahan mula alas-dyes ng umaga at kung minsan ay inaabot na hanggang gabi o kaya ay madaling araw.
Ilan rin sa dahilan kung kaya’t hindi nasunod ang sana’y limang araw na deliberasyon sa 2018 budget ay ang mahabang listahan ng mga kongresista na nagtatanong at mga nadefer na budget ng ilang ahensya.
Hindi bababa sa sampung ahensya ang nedefer o napostponed ang pagtalakay sa plenaryo dahil na rin sa kakulangan sa oras.